Madaming tao ang dumadaan sa buhay natin. simula pagkabata, marami na tayong nagiging kaibigan, pagtungtong natin ng elementarya, highschool at kolehiyo. Subalit habang tumutuntong tayo sa panibagong yugto ng ating buhay, sinasabi natin sa ating sarili na hindi natin makakalimutan ang mga kaibigang naging parte ng ating pagkatao, mga taong humubog at tinulungan kang tuklasin ang iyong sarili. Subalit pagdaan ng panahon at habang nakakakilala tayo ng mas madami pang kaibigan, ay tila napapalayo tayo sa kanila? yea! it's a given fact na iba't iba na tayo ng school na pinapsukan, pero sapat na ba yong dahilan para makalimot? HINDE dba.? totoo nga. Absence makes the heart grow fonder. Lalo ko silang namiss at pinapahalagahan ngayon. Pero may naitulong din ang pagkakalayo layo namin. Dito ko nakilala ang mga tunay kong kaibigan na alam kong hanggang sa huling laban ay kasama ko. Yung iba? ayan, nagpaparamdam lang kapag may kailangan, may favor o kaya may tanung. Marami tayong magiging kaibigan, pero konti lang sa kanila ang totoo . Ngayon, kahit magkakalayo kami ng mga kabigan ko, we still try to keep in touch. Mas ramdam ko ngayon yung care and love nila saken. Bilang na bilang yung mga totoong kaibigan na dumating sa buhay ko. Lagi kang naaalala, kahit minsan nakakalimot ka na. Alam mo yun? ang sarap ng feeling na may ginagawa kayo parehas para mapresereve pa ang friendship nyu at hindi to mapabayaan. ang sarap sa pakiramdam ng alam mong sa dami ng tao sa mundo e may kaibigan kang totoo.
--na share ko lng.masaya kse ko e.
-WENDY ♥♥